7-Day Diet Plan: Simulan Na ang Tamang Diyeta Ngayon

Ang pagkain nating mga Pilipino ay kadalasang umiikot sa mga pagkaing malangis at may mataas na carbohydrates. Mahilig tayo sa kanin, sa prito, ang halos lahat ng masebo. Kaya kung gusto nating magbawas ng timbang, ito mismo ang mga bagay na dapat nating tanggalin. Isa pa sa mga gustong-gusto nating mga Pinoy ay ang pagkain ng instant noodles at chichirya.

Kung lilinisin lamang natin an gating pagkain, mas magiging malusog at mas hahaba ang buhay nating mga Pilipino. Nagtatanong ka ba kung anong mga diyeta na pwede nating gamitin upang kumain ng wasto sa lahat ng oras?

Pwede nating simulant sa Low-Carb Diet. Dito, lilimitahan ang pagkaing mayaman sa carbohydrates, lalong lalo na ang kanin. Kokontrolin rin ang pag-inom ng softdrink, artipisyal na juice, naprosesong mga pagkain, pasta, at puting tinapay. Sa pagbaba ng carbohydrate, itataas naman natin ang protina at iba pang sustansya. Kung kaya itataas ang dami ng isda, itlog, karne, buong butil, prutas, buto, at mani sa diyeta.

Maari din naman ang Mediterranean Diet. Pipiliin modito ang mga tradisyonal na pagkain, partikular ang mga pagkain ng mga Italyano at Griyego noong dekada ng 1960. Sa isang pag-aaral, napag-alaman na mas mahaba ang buhay at malusog ang katawan ng mga taong nabuhay sa dalawang bansang nabanggit noong mga panahong iyon. Nadiskubre rin na ang diyeta ito ay makakatulong sa mga may sakit na diabetis. Kung gusto mong sundan ang diyetang ito, ang mga dapat dapat mong kainin ay gulay, tsaa, patatas, dalisay na langis, at buong butil. Ang mga karne ay kinakain ng paminsan minsan lamang. Hindi ka pwedeng kumain ng itlog at keso ngunit ang pinong butil at mga langis ay Malaya mong makakain, pati na rin ang mga matamis na pagkain at inumin. Kailangan mo ring kumain ng isda at seafood dalawang beses sa isang linggo.

Para sa mahilig sa gulay ang Vegan Diet. Sa diyetang ito, gulay at prutas lang ang pwede mong kainin. Walang anumang uri ng karne ang pwedeng kainin, at kasama dito ang isda o iba pang pagkaing-dagat. Hindi pwede ang baboy, manok, o karne ng baka at tupa. Ang diyeta ito ay tumutulong na magpababa ng kolesterol at magpapabuti sa lagay ng ating tiyan dahil na rin sa dami ng fiber na makakain. Maraming eksperto ang nagsasabi na ang Vegan Diet ay hindi para sa lahat at ito ay totoo. Ito ay dahil ilang sa mga kakulangan sa sustansya, lalong lalo na sa protina, ay maaaring makasama.

Sa Pescetarian Diet, pinapayagan ng pagkain ang mga gulay, butil, at karne ng isda, pati na rin mga pagkaing-dagat. Ito ay isang balanseng diyeta dahil ang nilalaman ng protina ay ibinibigay ng seafood. Ang pagkain ay medyo katulad ng kung ano ang nasasaad sa Mediterranean Diet na nauna ng natalakay.

Ang Pinakamadaling Diyetang Masusundan Mo

Kung naghahanap ka pa rin ng mas madaling diyeta dahil hindi para sa iyo ang mga naunang nabanggit, subukan mo ang 7-Day Diet Plan ng HealthyPH. Naiiba ito sa mga diyeta dahil sadyang ginawa ito para sa iyo. Samakatuwid, isinasaalang-alang nito ang mga pangagailang mo at ng katawan mo.

Maraming sumubok ng aming 7-Day Diet Plan para pumayat at nagulat sila sa bisa nito. Hindi nila inaasahan na madali lang pala magpapayat, matapos nilang sundan ang isang dosenang makabagong diyeta na hindi naman masyadong nakatulong sa kanila. Ang masahol pa, nahirapan sila ng husto para sa wala.

Sa 7-Day Diet Plan ng HealthyPH, nakalista na ang lahat ng dapat mong kainin at inumin sa maghapon. Ang gagawin mo lang ay bilhin ang lahat ng pagkaing nakasulat dito, iluto ito ng tama, at kainin sa wastong oras. Hindi ka dapat kumain ng hindi nakalista sa plano upang makuha mo ang lahat ng benepisyong maibibigay nito.

An gaming 7-Day Diet Plan ay para sa mga nagsisimula pa lang magdiyeta. Alam naming mahirap talikuran ang mga paborito mong pagkain kaya dahan-dahan naming aalisin ito sa sistema mo. Asahan mong walang masyadong pahirap na mangyayari sa iyo.

Isa pa, mas mainam ang may plano dahil tila nagbibigay ito ng kakaibang motibasyon. Kung alam mo ang gagawin mo sa bawat araw at naniniwala ka na sa pampitong araw ay may makikita kang pagbabago, siguradong gugustuhin mong marating ang pampitong araw na iyon. Ang  maliit na librong ito lamang ang kailangan mo.

Kung ikaw naman ay dati ng nagdidiyeta, siguradong makikita mo ang diperensya ng 7-day diet plan. Hindi to katulad ng ibang diyeta na nakakasama kaysa makatulong. Maraming diyeta na nakakapagbago sa ating kalusugan sa katagalan. Importante na nag diyeta mo ay nakapokus sa nutrisyon na kailangan ng katawan mo.

Saan Pwedeng Makakuha ang 7-Day Diet Plan?

Kung gusto mo  ng makuha ang personal mong 7-Day Diet Plan, pumunta lang sa aming website na HealthyPH Club at mabilis mong mabibili ito. Mayroon ding 15-Day Diet Plan kung handa ka para sa mas mahabang panahon ng pagkain ng tama. Siguradong mas marami din itong mababawas sa timbang mo.

Kung hindi ka pa handa at gusto mo ng mas maraming impormasyon sa aming produkto, mayroon din kaming Facebook page na pwede mong puntahan. Ang HealthyPH ay matatagpuan mo sa Facebook, kasama na rin ang iba pang mga taong nagustuhan ang aming mga layunin, ideya, at produkto. Gusto naming makasama ka sa aming komunidad sa Facebook.

Maliban sa mga diet plan na ito, mayroon din kaming iba pang mga produkto na pampapayat at pampalakas ng katawan na maaring magustuhan mo. Pwede mong tignan at suriin ang mga ito at alamin kung makakatulong sila sa plano mong pagpapapayat.

Narito lamang ang HealthyPH upang maging gabay ng mga Pilipino para sa mas malusog na pamumuhay. Ibig naming makatulong at maging instrument sa pagpapalakas, pagpapapayat, at pagpapahaba ng buhay ng bawat isa. Kasama mo kami sa bawat hakbang at gagabayan ka naming sa mga tamang desisyon. Ang HealthyPH ay isang kompayang binubuo ng mg eksperto sa pangangatawan kaya’t maaasahan mo kami sa iyong mga gagawin ngayon at sa mga susunod pa. Kilalanin kami at alamin mo ang lahat ng mga produkto naming masusing pinili at dinala sa Pilipinas para sa iyo.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

x