Mga Pagkaing Pampabata na Dapat Idagdag Sa Iyong Diyeta

Nagdidiyeta ka ba upang bumaba ang iyong timbang? Subukan mo rin ang diyetang hindi lamang makakapagpababa ng timabang mo, makakapagpabata pa sa iyo. Maraming mga pagkaing mayaman sa anti-oxidants na maaring makapagpigil n gating pagtanda. Kung ayaw mong maagang kumulubot ang iyong mukha, kainin mo ang mga pagkaing makakatulong laban dito.

Kung problema mo ang tuyong balat, pinong mga linya, at malalim na mga kulubot, hindi ka nag-iisa. Marami ang may problema ng gaya sa iyo. Karamihan sa mga tao gustong magmukhang bata pa kaysa sa edad nila. Pero ayon sa mga eksperto, hindi mamahaling pampahid sa mukha ang kailangan mo para gumanda at magmukhang bata. Simulan mo sa pagkain ng masusustansyang pagkain. Ito ang mga pagkaing pampabata kung tawagin. 

Kung gusto mong gumada ang iyong balat at mawala ang panunuyo at pagkulubot nito, narito ang ilan sa mga pagkaing dapat mo kainin. Kasama na rin dito ang mga suhestyon na dapat mong sundin para magmukha kang mas bata kaysa sa totoong edad mo. 

1. Umiwas sa pagkaing maraming asukal.

Alam mo ba na maring hindi magandang epekto sa kalusugan ang hatid ng pagkaing maraming asukal? Ang pagkain ng sobrang asukal ay pwedeng maging sanhi ng mga kulubot sa balat na sanhi ng mabilis na pagkatanda mo. Iwasan mo ang tsokolate, donut, and lahat ng pagkaing puro asukal.

 

2. Kumain ng pagkaing mayama nsa Omega Fatty Acid.

Upang mapanatiling maganda ang iyong balat at maiwasan ang pagkatuyo nito. Ang mga fatty acids na Omega -3, -6, at -9 ay makakatulong. Makikita ang mga malusog na taba at langis na ito sa mga isda.  Tinutulungan nila ang balat na maging malusog, madulas, at mukhang bata. Mayamang ang isdang salmon dito. Maari mo ring makuha ito sa abukado at langis ng oliba.

3. Dagdagan ang konsumo ng Amino Acids.

Ang isa pang sanhi ng wrinkles ay ang pagbaba ng collagen at elastin sa balat na madalas mangyari kung ikaw ay nagkaka-edad na. Ang mga amino acid na matatagpuan sa mga pagkaing mayaman sa protina. Maaaring makatulong sa muling pagganda ng balat at pagtanggal sa mga kulubot nito. Ang karne, isda, itlog, tofu, at ilang mga butil ng mani at buto ay mayaman dito.

4. Mainam ang mga berdeng gulay.

Ang broccoli, spinach, at greens salad ay napakaganda sa pagpapanatili ng tubig sa balat. Ibig sabihin, hindi na ito matutuyo. Ang mga katas nito ay tumutulong upang padaliin ang paggamit sa mga sustanysa na nakukuha ng katawan mula sa mga pagkaing kinain natin. Mayaman din sa bitamina at antioxidants ang mga berdeng gulay. Mas maganda ang gulay kung ikokompara sa prutas dahil may taglay na tamis ang prutas na wala sa gulay.

5. Kailangan din ng Fiber.

Ang mga nagkakaedad na ay kailangan ng maraming fiber upang mapalakas ang proteksyon ng balat laban sa pagkasira at pagtanda nito. Maraming mga pagkaing mayaman sa fiber na pwedeng kainin, tulad ng trigo at brown rice. Makakatulong ito upang maprotektahan ang kalusugan ng ating balat.

 

6. Magdagdag ng Antioxidants.

Araw-araw, ang ating katawan unti-unting nalalason ng usok at iba pang masasamang elemento sa hangin. Upang pigilan ito, kailangan natin ng mga antioxidants. Pinipigilan ng antioxidants ang pagkulubot n gating balat dahil prinoprotektahan nito ang mga cells. Ang mga antioxidant ay makikita sa mga pagkain tulad ng kamatis, karot, kale at kalabasa. Maaaring maprotektahan ng mga ito ang balat at pagalingin ang mga pinsala dito.

7. Piliin ang mga pagkaing mayaman sa Potassium

Kung medyo maitim ang ilalim ng iyong mga mata, maaring dahil ito sa pagkahilig mo sa maaalat na pagkain. Maraming mga prutas at gulay, kasama na rin ang patatas, mani, beans, tsaa, karne, manok at isda na mayaman sa potassium na maaaring makatulong sa iyo. Ang potassium ay nagkokontrol sa sobrang asin sa katawan. Dapat mo na rin iwasan ang pagkaing maalat simula ngayon.

8. Uminom ng tsaa.

Mataas sa polyphenols ng tsaa na tumutulong na maprotektahan ang balat. Ang tsaa ay napakainman na alternatibo sa kape. Ang sobrang kape ay maaaring mag-alis ng tubig sa iyong balat. Kung tsaa na lamang ang iinumin mo, di hamak na mas maramig sustansya na makukuha ang katawan mo.

 

9. Kailangan mo rin ng Probiotics.

Ang mga probiotics ay nagsasaayos ng ating panunaw at naglalagay ang magagandang bakterya sa ating tiyan. Ang mga ito ay makakatulong sa iyong balat na maging malusog. Ang mga pagkaing mayaman sa probiotic ay kimchi ng Korea at kefir ng Germany.

 

Bakit Mo Kailangan ng mga Pagkaing Pampabata?

Kailangan n gating katawan ang mga pagkaing pampabata dahil pinapanatili nito ang kagandahan at kalusugan ng ating katawan. Mas mukha tayong bata, mas tatagal ang ating buhay dahil maayos ang pagtatrabaho ng parte ng ating katawan sa loob man o sa labas.

Ngunit sa dami ng ating mga dapat kainin upang maging malusog at magmukhang bata, napakahirap tandaan ang mga ito. Mahirap ding balansehin ang lahat ng mga sustansyang kailangan natin sa araw-araw. Kung ito ang problema mo, subukan mo na gumamit ng diet plan na tulad ng 7-Day Diet Plan ng HealthyPh. Dito nakapaloob ang lahat ng mga kailangan mong kainin mula sa almusal hanggang sa hapunan.

Mapapanatili kang malusog, maganda, at mukhang bata ng aming diet plan. Nakalista dito ang masasarap at masusustansyang pagkain na kailangan mo sa araw-araw. Kung mayroon ka nito, hindi mo na kailangan pang mag-isip kung ano ang iyong kakainin bukas at hindi ka na rin mangangamba kung nakuha mo ba ang nutrisyon na kailangan mo sa maghapon.

Kung masyadong maiksi ang pitong araw napagdidiyeta para sa iyo, mayroon din kaming 15-Day Diet Plan na pwede mong magamit. Mas mahaba ang panahon sa pagdidiyeta ang maihahatid nito sa iyo. Kahit ano man sa dalawa ang iyong piliin, siguradong makukuha mo ang tamang timbang at ganda ng katawan na hinahangad mo.

Kami ang HealthyPH, isang kompanyang nangangalaga sa kalusugan ng bawat Pilipino. Lubusan mo kaming makikilala kung susundan mo ang aming Facebook Page na TheHealthyPH. Doon mo kami pinakamabilis na makakausap. Masasagot rin naming ang lahat ng mga katanungan mo.

Mayroon din kaming website na HealthyPH Club kung saan mo makikita ang lahat ng mga produkto namin. Tignan mo ang lahat ng mga produkto namin at tiyak na may may iba pang makakatulong sa iyo dito.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

x