Mga Pagkaing Pampataba na Masustansya

Kung maraming pagkaing pampataba na nakasira ng kalusugan, mayroon din namang sadyang masustansya. Ibig sabihin nito, kung gusto mong tumaba, ang mga masustansyang pagkain na ito ang dapat mong kainin. At kung gusto mo namang pumayat, huwag ang mga ito ang kainin mo dahil kahit sa unang tingin sila ay masustansya, siguradong dadagdag ang iyong timbang. Maaring ilan sa mga pagkaing ito ang kinakain mo ngayon, sa paniniwalang makakatulong sila sa pagpapapayat mo pero ang totoo, mas bumibigat ka dahil sa mga ito.

1. Abokado

Ang abukado ay iba sa ibang mga prutas dahil ang karamihan sa kanila ay naglalaman ng carbohydrates samantalang ang mga abokado ay puno ng langis. Sa katunayan, ang abokado ay halos 77% oleic acid. Ito ay isang uri ng monounsaturated fats na may iba’t ibang benepisyo sa kalusugan. Ang mga abokado isa sa pinakamayamang pinagkukunan ng potassium sa pagkain, maliban sa saging. Marami ring mga hiba o fiber ang abokado na lumalaban sa masamang kolesterol at napapataas ng mabuting kolesterol sa katawan. Ngunit kahit na mataas sa taba at calories ang abokado, isang pag-aaral ay nagpapakita na ang mga taong kumakain nito ay malamang na tumimbang ng mas mababa kaysa sa mga hindi kumakain nito.

2. Keso

Naniniwala ka ba na ang keso ay masustansya? Maari ay hindi. Ito ay makakapagbigay sa iyo ng iba’t ibang mga sustansya, lalo na kung isang buong tasa ng gatas ang ginagamit upang makabuo ng isang makapal na hiwa ng keso. Ang keso mahusay na mapagkukunan ng calcium, Vitamin B12, Phosporus at Selenium. Naglalaman din ito ng marami pang uri ng mga sustansya. Ito ay napakayaman sa protina. Ang keso, katulad ng iba pang mga produktong gaya nito ay naglalaman din ng mga fatty acids na maaring makabawas sa panganib ng type 2 diabetes.

3. Itim na tsokolate

Ang itim na tsokolate o dark chocolate ay isa sa mga bihirang mga pagkaing pangkalusugan na hindi kapani-paniwala. Ito ay napakataas sa taba at may mataas na calories. Pero  meron din itong fiber at naglalaman ng higit sa 50% ng RDA ng Iron, Magnesium, Copper at Manganese. Ito ay puno din ng mga antioxidant na kagaya sa blueberries. Ang ilan sa mga antioxidant nito ay may malakas na biological activity. Maaaring magpababa ito ng presyon ng dugo at protektahan ang dami ng masamang kolesterol sa dugo.

Ipinakikita rin ng mga pag-aaral na ang mga taong kumakain ng maitim na tsokolate ng lima o higit pang mga beses sa bawat linggo ay mas mababa ang tsansang mamatay mula sa sakit sa puso kumpara sa mga taong hindi kumakain nito. Mayroon ding ilang pag-aaral na nagpapakita na ang maitim na tsokolate ay maaaring mapabuti ang pag-andar ng utak at protektahan ang iyong balat mula sa pinsala mula sa araw. Tiyakin lamang na pumili ng mataas na kalidad na itim na tsokolate yung may ginamit na hindi bababa sa 70% ng kakaw.

4. Itlog

Ang isang buong mga itlog ay maituring na masama sa katawan dahil ang pula nito ay may mataas na antas ng kolesterol at taba. Sa katunayan, ang isang itlog ay naglalaman ng 212 mg ng kolesterol na katumbas ng 71% ng inirekumendang araw-araw na paggamit. Dagdag pa dito, 62% ng calories sa buong itlog ay mula sa taba. Gayunpaman, may mga bagong pag-aaral na nagpakita na ang cholesterol sa mga itlog ay hindi nakakaapekto sa kolesterol sa dugo para sa karamihan ng mga tao.

Ang buong itlog ay puno ng mga bitamina at mineral. Naglalaman ito ng halos lahat ng sustansyang kailangan ng katawan natin. Ito ay naglalaman ng mataas na antas ng antioxidants na nagpoprotekta sa mga mata. Maraming rin itong choline na isang sustansyang kailangan ng utak. Ang mga itlog ay mataas rin sa protina, ang pinakamahalagang pagkaing nakapagpapalusog para sa pagbaba ng timbang sa kabila ng pagiging mataas nito sa taba. Mayroon ding Omega-3 ang itlog na matatagpuan sa pulang bahagi nito.

5. Taba ng Isda

Ang isa sa ilang mga produkto ng hayop na sinang-ayunan ng karamihan bilang masustansya ay ang taba isda. Kabilang dito ang mga isdang tulad ng salmon at mackerel, na madalas ginagawang sardinas. Ang mga isdang ito ay puno ng Omega-3 fatty acids na nakakatulong sa puso. Mataas din ang kalidad ng mga protina nito, kasama na ang lahat ng uri ng mga sustansya.

Ipinakikita ng mga pag-aaral na ang mga taong kumakain ng isda ay may posibilidad na maging mas malusog, mas may mababang panganib ng sakit sa puso, depression, demensya at lahat ng uri ng pangkaraniwang sakit.

Kung hindi ka kumakain ng isda, maaring kulang ang Omega-3 sa katawan mo. Kung magkagayon, kailangan mo itong kunin sa mga suplemento. Mas madaling kumain na lamang ng isda kaysa mag suplemento pa. Maliban sa Omega-3 marami ring Vitamin D ang mga isda na ito.

Ang Iyong Pinakamainam na Gabay sa Padidiyeta

Dahil sa mga impormasyong nabanggit sa taas, malamang ay mas nalito ka sa kung ano ang dapat at hindi mo dapat kainin. Hindi ka naming iiwang nalilito kung kaya’t gumawa kami ng gabay na para lamang sa iyo.

Ang HealthyPH ay mayroong 7-Day Diet Plan na makakatulong sa iyong planuhin ang mga pagkaing dapat mong kainin sa araw-araw. Sa loob ng isang linggo, may epektibong gabay ka sa masustanyang pagkaing kailangan ng katawan mo, lalong lano na kung ang gusto mong mangyari ay mababawasan ang iyong timbang.

Kung sa tingin mo ay masyadong maiksi ang pitong araw na pagdidiyeta, kunin mo ang aming 15-Day Diet Plan. Mas makakapagbigay ito sa iyo ng mas mahabang panahon sa pagdidiyeta na siguradong makakapagbigay sa iyo ng mas malaking bawas sa timbang.

Ang HealthyPH ay laging handang tumulong sa iyo. Isinaalang-alang naming ang iyong kalusugan. Ang hangad naming ay magkaroon ang bawat Pilipino ng sapat na impormasyon tungkol sa pagpapapayat dahil ang malusog at malakas na pangangatawan ay ang tanging magkakapaghatid sa iyo ng mahabang buhay.

Sundan ang aming Facebook Page na TheHealthyPH kung gusto mo ng iba pang detalye tungkol sa aming diet plans. Mabibili ang 7-Day Diet Plan at 15-Day Diet Plan mula sa aming website na HealthyPH Club. Tignan din ang iba pa naming mga produktong makakatulong sa iyo dito. 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

x