Mga Pinakamagaling na Paraan ng Pampabata

Nais mo bang magmukhang mas bata kaysa sa iyong tunay na edad? Maraming paraan ng pampabata at maaring lahat ng ito ay gamitin mo para matanggal ang hanggang sampung taon sa edad mo. Depende sa iyong mga gawi, pwede kang magmukhang 30 taong gulang kahit 40 or kahit 50 ka pa.

Hindi mo makokontrol ang ilang mga kadahilanan ng pagtanda. Maaring bumagsak ng mga antas ng estrogen mo at maging dahilan ito ng pagkulobt ng iyong balat. Pwede ring genetika ang magiging problema mo sa pagkasira ng iyong buto. Kung gusto mong iurong ang kamay ng oras at maging maganda ang iyong buong pangagatawan, naglagay kami rito ng mga bagay na pwede mong gawin at pagkaing pwede mong kainin.

  1. Kumain ng pagkaing mayaman sa Bitamina A.

Ang isa sa mga pinakamadaling paraan upang ibalik dating ganda ng iyong balat ay sa pamamagitan ng mga pagkaing mayaman sa Bitamina A. Ang retinoids ay kailangan ng ating sensitibong balat na panlanban mga kulubot. Kung gagamit ka ng mga pampahid sa mukha na may retinol, mas maganda ang magiging resulta kung kakain ka rin ng mga gulay at prutas na mayaman sa Bitamin A tulad ng karots, kalabasa, papaya, at mangga. Isama mo na rin ang salmon, itlog, at gatas.

  1. Kailangan mo rin ng antioxidants.

Kailangan ng katawan mo ng antioxidants na tulad ng Bitamina B at E para manatili itong mukhang bata sa mas matagal na panahon. Ang mga antioxidant ay tumutulong na protektahan ang balat laban sa mga lason sa ating kapaligiran na nakakapinsala dito. Ang mga antioxidant ang nagtatrabaho upang protektahan ang elastin at collagen ng balat.

Maraming klase ng Bitamina B at ang dalawang pinakakailangan mo para magmukhang bata ay ang Bitamina B6 at B12. Upang makuha ang tamang dami nito, lagyan ang iyong plato ng isda o manok. Kung hindi kumakaing ng karne, pwede kang kumuha ng Bitamina B6 sa chickpeas.

  1. Wag masyadong magpataba.

Huwag hayaan na ang mga maliit pero madalas mong pagkain ang maging dahilan ng sobrang mong timbang. Ang sobrang timbang ang magkakapagdagdag sa aktwal na edad mo. Tignan mo ang salamin noong mataba ka at noong payat ka. Ang mga taba sa mukha mo, lalong lalo na sa bandang baba at pisngi, as mas maganda kung wala na lang doon.

 

  1. Magdagdag ng protina sa iyong pagkain.

Dapat tayong kumain ng 46 gramo ng protina sa isang araw at mas higit pa kung ikaw ay buntis, nagpapasuso, o isang atleta. Madaming nagagawa ang protina sa katawan at isa na rin dito ang mas madaling pagkontrol sa pagkaramdam ng gutom, pagbawasng timbang, at pagpapanatili ng payat na katawan. Tumutulong din ang protina na bumuo ng kalamnan. Ang pagkonsumo ng sapat na protina ay mahalaga rin upang maging malusog ang ating balat at buhok.

  1. Iwasan ang asukal.

Ang asukal ay nakakapagdagdag sa ating panganib na magkaroon ng sakit sa puso, diabetes, at labis na katabaan. Ang asukal ay maaaring tumagal sa ating balat. Ngunit kung masyado kang mahilig sa matamis at mahihirapan ka bawasan ang pagkain nito, dahan-dahanin lang ang pagbawas. Hindi mo kailangang tanggaliin ang matamis, bagkos bawasan lang ito. Lagi lamang tandaan na kailangang balanse and iyong pangkalahatang diyeta.

  1. Laging mag-ehersisyo.

Ang pag-iingat sa iyong timbang ay importante gaya ng pagpigil na hindi ka masyadong bumigat. Makakatulong sa iyo ang regular na pag-eehersisyo. Ang pagbawas ng timbang ay makatulong hindi lang para magmukha kang bata, ngunit para na rin maging parang bata ang iyong pakiramdam. Mas aktibo ang katawan mo, mas marami kang enerhiya na gawin ang mas marami pang mga bagay.

 

  1. Uminom ng maraming tubig.

Ang pag-inom ng sapat na dami ng tubig sa buong araw ay nakakatulong na mapanatiling malusog at maganda ang iyong balat. Ang dami ng tubig na kailangan mo ay nakasalalay sa sukat at antas ng iyong aktibidad. Siguraduhing makakainom ka ng hindi bababa sa 8 basong tubig maghapon. Huwag hintaying mauhaw bago uminom ng tubig. Uminom ka ng tubig sa bawat oras. Ang hindi sapat na pag-inom ay maaaring magresulta sa paglabas ng mga kulubot sa balat at hindi mo ito gustong mangyari.

  1. Iwasan ang maalat na pagkain.

Alam natin naman na ang pagkain ng mga maalat na pagkain ay nagiiwan sa iyong katawan ng maraming tubig na makapagpapabigat sayo at makakapagpamaga ng iyong katawan. Kaya kung medyo mataba ang iyong mata at maitim ang ilalim ng iyong mata, malamang mahilig ka sa maaalat. Upang unti-unting magbawas ng asin sa iyong katawan, simulan ang pagluluto na mga pagkaing hindi kailangan ng asukal at iba pang pampalasa. Mas mainam na gumamit na lamang ng sili, lemon juice, at mga dahong pampalasa sa iyong pagkain. Sa pagtanggal ng asin sa iyong pagkaing, hindi lamang mawawala ang pamamaga ng iyong katawan. Mababawasan din ang iyong panganib ng magkaroon ng mataas na presyon ng dugo at maging biktima ng stroke.

  1. Itigil ang paninigarilyo

Ang paninigarilyo ay masama para sa iyong kalusugan dahil pinatataas nito ang iyong panganib na magka-kanser. Marami pang ibang mga seryosong isyu sa kalusugan and maihahatid ng paninigarilyo. Malaking epekto ng paninigarilyo sa iyong hitsura. Ang paninigarilyo ay nakakapagtanda sa iyo sa bawat hithit. Ang nikotina ng sigarilyo ay pumapasok sa mga cells ng balat at nagnanakaw sa oxygen at nutrisyon nito.

 

  1. Huwag uminom ng softdrinks

Binibilisan ng softdrinks ang pagtanda ng iyong balat. Hindi rin ito maganda sa softdinks sa mga ipin. Ang softdrinks ay walang sustansya kaya walang pakinabang ito sa iyong katawan. Ito pa ay may taglay na pinsala. Napakaraming asukal ng softdrinks na nagpapataas ng masamang bakterya sa katawan na sanhi ng pamamaga.

 

 

Maging mapanuri sa iyong mga pagkain kung gusto mong magmukhang bata sa mas mahabang panahon. Upang magsilbing gabay mo sa pagpapapayat at pagpapabata, sundan ang aming 7 Days Diet Plan. Mayroon din kaming 15 Days Diet Plan na makakatulong din sa iyo ng sobra. Kung may katanungan ka sa mga gabay na ito, sundan mo ang aming Facebook Page na TheHealthyPH. Kausapin mo kami doon kasama ang ilan pang mga taong nakasubok na ng aming mga produkto. Hangad namin dito sa HealthyPH na makamit mo ang kalusugan at kagandahang hangad mo.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

x