Paano ba talaga Kumain ng Tama?

Maraming nag-aakala na kapag masustansya ang ating kinakain, sadya na tayong magiging malusog. Ang hindi alam ng karamihan ay mayroong tamang paraan ng pagkain upang makuha natin ang buong sustansyang hatid ng mga ito. Hindi sapat na gawin mo lang ang mga nakagisnan mo o ang mga bagay na inaakala mong tama. Mas mabuti kung mayroong ekspertong gagabay sa iyo at magsasabi kung paano talaga kumain ng tama.

Unang-una, dapat bumuo ka ng plano kung saan nakalista ang lahat ng mga malulusog na pagkaing kailangan mo. Kailangan mon ng isang balanseng diyeta na may protina, langis, carbohydrates, hibla, bitamina, at mineral. Kailangan ang lahat ng ito para sa isang malusog na diyeta at malakas na katawan. Talakayin natin ang bawat isa sa mga nutrisyong kailangan mo:

  1. Protina

Ang protina ay nakapagbibigay sa atin ng lakas upang makakuha ng enerhiya at pahintulutan an gating katawan na gumana ng tama. Ang sobrang protina ay maaaring nakakapinsala sa mga taong may sakit sa bato. Nngunit may mga pananaliksik rin na nagsasabing marami sa atin ang nangangailangan ng mas mataas na kalidad na protina, lalo na sa mga nagkaka-edad na. Ngunit hindi ito nangangahulugang kailangan mong kumain ng mas maraming karne. May mas marami pang pang mga na mapagkukunan ng protina na hindi galing sa hayop. May mga gulay din tulad ng beans at sitaw na may mahahalagang protinang kailangan mo.

  1. Langis

Hindi lahat ng langis ay pareho. Habang masamang ang karamihan, mayroong klaseng kailangan sa iyong diyeta upang maprotektahan ang utak at puso. Sa katunayan, ang malusog na langis tulad ng Omega-3s ay mahalaga para sa iyong pisikal at emosyonal na kalusugan. Ang pag-unawa sa kung paano isama ang mga malusog na langis na ito sa iyong diyeta ay maaaring makatulong na mapabuti ang iyong pakiramdam at mapalakas ang iyong katawan. Ang abokado at malangis na isda ang pinakamainam na mapagkukunan ng nutrisyon na ito.

  1. Hibla

Ang pagkain na mataas sa hibla o Fiber tulad ng mga butil, prutas, gulay, mani, at beans ay maaaring makatulong sa iyo na manatiling regular ang paglabas ng mga dumi sa iyong katawan. Pinapababa din nito ang iyong panganib na magkaroon ng sakit sa puso, stroke, at diyabetis. Maaari rin nitong mapabuti ang kalusugan ng iyong balat at makatulong sa iyo na mabawasan ng timbang. Depende sa iyong edad at kasarian, inirerekomenda ng mga eksperto na kailangan mo ng hindi bababa sa 21 hanggang 38 gramo ng fiber bawat araw bumuti ang iyong kalusugan. Sa kasamaang palad, karamihan sa atin ay hindi kumakain kahit kalahati ng halagang ito.

  1. Calcium

Ang iyong katawan ay gumagamit ng Calcium upang bumuo ng mga malusog na buto at ngipin. Pinapanatili rin nito ang kalakasan ng mga ito habang ikaw ay nagkakaedad. Ang Calcium ay tumutulong din na magpadala ng mga mensahe sa iba’t ibang parte ng katawan sa pamamagitan ng Central Nervous System. Pinapangalagaan din nito ang tibok ng ating puso. Kung tama ang dami ng Calcium sa iyong katawan, maari itong humahantong sa sakit na Osteoporosis. Ibig sabihin nito, hindi nakakakuha ng sapat na Calcium ang iyong katawan mula sa iyong pang-araw-araw na diyeta. Ang kakulangan sa Calcium ay maaari ring magdulot ng pagkabalisa, depresyon, at mga hirap sa pagtulog. Anuman ang iyong edad o kasarian, mahalaga na isama ang mga pagkaing mayaman sa Calcium sa iyong diyeta.  Dapat ding makakuha ka ng sapat na Magnesium at Vitamin D at K para maayos na magamit ng katawan ang mga Calcium na nakukuha nito.

  1. Carbohydrates

Ang carbohydrates ay isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng enerhiya ng iyong katawan. Ngunit dapat simpleng carbohydrates lamang ang matanggap n gating katawan para mas maging madali ang pagproseso dito. Makakakuha ng ganitong klaseng carbs sa mga gulay, buong butil, at prutas. May carbohydrates din ang asukal ngunit masyadong komplikado ang pagsunod dito kaya’t nahihirapan lamang ang ating katawan. Ito ang mga uri ng carbohydrates na dapat nating iwasan. Huwag masyadong kumain ng puting tinapay at matatamis na pagkain dahil mabilis makapagpataas ang mga ito ng asukal sa dugo. Kapag nangyari ito, magbabago ang iyong antas ng enerhiyang gawin ang bagay-bagay. Nagiging sanhi din ito ng pag-impok ng taba sa katawan, lalong lalo na sa paligid ng  baywang.

Ang Mga Pagkaing Dapat Mong Iwasan

Dapat mong limitahan ang mga pagkaing mayaman sa asukal bukod pa sa mga nabanggit na, sadyang nakakahumaling ang pagkain nito. Ang resulta, tataba ka at makakaroon ka pa ng diyabetis at sakit sa puso.

Iwasan mo rin ang pagkain ng masyadong maraming butil kung gusto mong mawalan ng timbang. Halimbawa na rito ang tinapay at pasta. Kung butil rin lang ang pag-uusapan, mas maigi na pulang bigas at oats na lamang ang iyong kainin.

Nabanggit din na may mga langis na nakakasamasa katawan. Iwasan mo ang lahat ng ito. Ang langis na mula sa binhi ng gulay at mais ay hindi kasing ganda ng langis na galing sa purong oliba.

Wag ka rin kakain ng mga pagkaing mayaman taba. Ang taba ng karne ay napakasama sa katawan, lalong lalo na ang mga karne naproseso na. Ang mga pagkaing naproseso ay karaniwang mababa sa nutrients at masyadong maraming kemikal na makakasira sa katawan.

Hindi ka rin pwedeng kumain ng anumang pagkaing may artipisyal na pampatamis. Kadalasan, sinasabi nilang walang calories ang mga pagkaing ito. Pero sa katotohanan, hirap iproseso n gating katawan ang mga artipisyal na pampatamis dahil puro kemikal ang mga ito. Kung kailangan mo ng alternatibo sa asukal, ang natural na pampatamis na galing sa dahon ng stevia ang gamitin mo.

Gumawa ng Diet Plan

Mas madali para sa iyo na kumain ng tama kung mayroon kang sinusundang gabay. Makakatulong sa iyo ang aming 15 Days Diet Plan. Nakapaloob na rito ang lahat ng dapat mong kainin upang maiwasan mo ang masasamang sangkap na maaring makasama sa karaniwang pagkain mo sa araw-araw. Alamin mo ang iba pang impormasyon tungkol sa Diet Plan na ito sa aming Facebook Page na TheHealthyPH. Mabibili mo ito sa aming website na HealthyPH Club. Mayroon din kaming 7 Days Diet Plan para sa may gusto ng mas simple at mas mabilis na paraan ng pagdidiyeta.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

x