Paano Tumaba o Pumayat Sa Tamang Paraan

Dalawa lang ang madalas na problema ng mga tao sa kaning pangangatawan: kung paano tumaba at kung paano pumayat. Pero mas mahirap solusyunan ang problema sa pagpayat kaysa sa pagtaba. Sa katunayan, isa sa bawat sampung tao sa Pilipinas ay may problema sa pagpapapapayat.

Gayunpaman, mayroong maraming mga tao na may kabaligtarang problema. Mayroon namang masyadong payat na nagtatanong naman kung paano tumaba. Ito ay isang problema na dapat rin kaharapin, lalo na kung nagiging dahilan na ito ng pagkakaroon ng sakit at masamang kalusugan.

Bukod pa rito, maraming mga tao na hindi medyo kulang sa timbang ay nais magkaroon ng kalamnan. Kung ikaw ay medyo kulang sa timbang at gusto mong malaman kung paano tumaba, susubukan ka naming tulungan.

Ang Mga Taong Kulang Sa Timbang

Kung kulang ka sa timbang, ikaw ay payat at halos hindi kaya ng katawan mo mapangalagaan ang iyong kalusugan. Hindi maganda ang sobrang payat dahil kailangan din ng katawan ang resistensya labas sa sakit. Sa kabilang banda, may ilang mga tao na napakapayat ngunit malusog pa rin. Pagminsan, ang pagiging kulang sa timbang ay hindi nangangahulugang mayroon kang problema sa kalusugan. Gayunpaman, ang pagiging kulang sa timbang ay maaaring maging masama para sa iyong kalusugan.

Ayon sa isang pag-aaral, ang pagiging kulang sa timbang ay nauugnay sa mas mataasn na panganib (140%) ng maagang kamatayan sa mga lalaki at babae (100%). Ang pagiging kulang sa timbang ay maaari ring makapinsala sa ating immune system. Magtataas ito ng panganib sa mga impeksiyon, na maaring humantong sa osteoporosis at fractures. Maari ring maging sanhi ng mga mas maraming problemang pangkalusugan. Ang mga taong kulang sa timbang ay mas malamang na magkaroon ng sarcopenia at mas malaki rin ang panganib na magkadementia.

Ang Mga Taong Sobra Sa Timbang

Ang labis na katabaan ay kasalukuyang isa sa pinakamalaking problema sa kalusugan sa mundo. Ang pagiging mataba naman na nauugnay sa 50% na mas mataas na panganib ng maagang pagkamatay. Pinapakita rito na maaaring maging mas masahol pa para sa iyong kalusugan ang kulang sa timbang kaysa sa sobra nito. Mas mataas ang peligro ng lalaking kulang sa timbang kaysa sa babaeng kulang sa timbang.

 

Paano Tumaba Ng Mabilis

Maraming mga pagkain nakakapagpataba sa katawan ngunit hindi lahat ng ito ay mga tamang pagkain. Kung nais mong makuha ng timbang napakahalaga na gawin mo ito ng tama. Ang pag-inom ng softdrinks at pagkain ng donut ay maaaring makatulong sa iyo sa pagpapataba ngunit maaari din nitong sirain ang iyong kalusugan.

Maraming tao na may normal na timbang ang nagkakaroon ng type 2 diabetes, sakit sa puso at iba pang mga problema sa kalusugan dahil sa labis taba sa kanilang katawan. Samakatuwid, higit na mahalaga na kumain ka pa rin ng mga malusog na pagkain. Kailangan ding sumunod ka sa alituntunin ng malusog na pamumuhay.

Magdagdag ng Calories at Protina

Isa sa mga pwede mong gawin ay ang pagkain ng mas maraming calories kaysa sa pangangailangan ng iyong katawan. Ang kumain ng mga pagkaing pampalusog para magkakaroon ng mas mabigat na timbang. Taasan din ng pagkonsumo ng protina.

Ang ating kalamnan ay gawa sa protina. Hindi nito kailanga ng sobrang kaloriya dahil ang mga ito ay magiging taba lamang ng katawan. Maraming tao ang nagbabawas ng carbs sa pagkain kung gusto nilang pumayat. Gawin mo ang kabaliktaran nito kung gusto mo namang tumaas ang iyong timbang.

Kumain ng pagkaing mataas sa carbohydrates kung gusto mong tumaba. Sabayan mo rin ito ng maraming protina at tiyak lalaki ka. Wag ka rin papalya sa iyong pagkain dahil ang paulit-ulit na pag-aayuno ay para lang sa mga may gustong bumaba ang timbang. Tiyakin na kumakain ka ng hindi bababa sa tatlong beses bawat araw. Subukan ding magdagdag ng oras sa pagkain. Isiksik ang meryenda hangga’t maaari.

Ang diyeta na mataas sa protina ay nagiging sanhi ng dagdag na calories na maaring maging mga kalamnan. Gayunpaman, tandaan na ang protina ay parang isang tabak na may dalawang talim. Maari rin itong makasama kung sobra. Ang mga pagkaing may mataas na protina ay kinabibilangan ng karne, isda, itlog, dairy goods, tsaa, mani, at iba pa.

Kumain ng Mga Prutas

Napakahalaga na kumain din ng mga gulay at prutas. Ang paggamit ng maraming spice, sauces at condiments ay maaaring makatulong sa iyo, lalo na kung gusto mong mas maging malasa ang mga gulay na inihahanda mo. Mas masarap ang pagkain mo, mas marami kang makakain at mas bibigat ang iyong timbang.

Pwede ka ring kumain ng mga mani tulad ng peanuts, almonds, walnuts, at macadamia nuts. May mga pinatuyong prutas rin na makakabuti sa iyo, tulad ng pasas at pinatuyong mangga. Sa umaga, nirerekomenda ang pag inom ng gatas, keso, at krema.

Kung gagamit ng mantika, mainam na olive oil ang gamitin. Maganda rin sa katawan mo ang avocado. Kumain rin ng oat meal at brown rice. Mas mainam ang brown rice kaysa sa puting bigas kung tutuusin.

Pagdating sa karne, pwede kang kumain ng manok, baka, at baboy. Siguraduhin lamang na walang balat o taba ang kakainin mo. Mainam din para sa iyo ang patatas at kamote. Kung gusto mo ng matamis, kumain ng dark chocolate, peanut butter, o anumang meryenda na may gata ng niyog.

Marami sa mga pagkain na ito ay nakakapuno ng tiyan. Kung seryoso kang tumaba, kailangan mong pilitin ang iyong sarili para kumain pa ng higit sa kaya mo. Ang pagkain ng buong prutas ay makakabuti sa iyo, lalong lalo na ang mansanas at saging.

Ang Diet Plan ng HealthyPH

Kung gusto mong mas madali ang pagdidiyeta para maging payat, meron kaming diet plan dito sa HealthyPH na makakatulong sa iyo. Experto kami sa pagpapapayat kaya lahat ng hindi mo dapat kainin ay inilagay naming sa aming 15-Day Diet Plan. Sundin mo ito kung gusto mong pumayat. Pero kung gusto mong tumaba, ang pagkain ng dalawa hanggang tatlong ulit ng mga pagkaing nakapaloob sa diet plan ang gawin mo.

Makakakuha ng aming diet plan sa HealthyPH Club. Kung gusto mo naman ng karagdagang impormasyon, pwede kang pumunta sa aming Facebook Page na TheHealthyPH. Gagabayan ka naming sa kahit ano mang gustuhin mo.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

x